Dalawamput pitong matataas na klase ng armas na ikinokonsidenrang loose firearms ang isinuko ng mga residente ng Datu Abdullah Sangki sa 2nd Mechanized Infantry Battalion sa ginanap na turnover ceremony nitong Sabado, June 15, 2019.
Pinangunahan niDatu Abdullah Sangki outgoing Mayor at Governor elect Bai Mariam S. Mangudadatu ang seremonya kasama sina 2nd Mechanized Infantry Battlion Commanding Officer Ltc Alvin G. Iyog at 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Colonel Efren P. Baluyot.
Kabilang sa mga isinukong baril ay 60mm mortar, 14 na 12 gauge shotguns, 2 Cal .50 sniper rifles, 2 M79 GL, Uzi Ingram, Thompson submachine gun , carbine, 2 RPG launcher, 2 Ingram, M203 tube at samu’t-saring magazines.
Sinabi ni Gov. Mangudadatu na ito ay pagpapakita ng kanyang suporta sa lahat ng pagsisikap ng pamahalaan para sa kapayapaan.