High Profile na Tulak ng Droga, Arestado sa Isabela

49

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng mga alagad ng batas ang isang high profile na tulak ng droga sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib-pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Isabela Police Provincial Office at Cabatuan Police Station sa Barangay Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Christian Paul Malabad, 22 taong gulang, binata at residente ng Barangay Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang sampung (10) piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang Marijuana.

Nakuha rin mula sa suspek ang isang (1) homemade shotgun, isang (1) bala ng 12 gauge shotgun at isang (1) unit ng cellphone.

Pansamantalang nakapiit sa Cabatuan Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Law.

Facebook Comments