LALAKI PATAY MATAPOS MALUNODSA ILOG HABANG NAGTATAG- TAGUAN SA BAYAN NG MANAOAG

MANAOAG, PANGASINAN – Patay ang isang kwarentay uno anyos na lalaki matapos itong malunod habang nagtatagu-taguan kasama ng kanyang mga kaibigan habang naliligo sa isang ilog sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Rommel Cerezo residente ng Brgy. Baritao sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng PNP, nagtatagu taguan kasama ang kanyang mga kaibigan habang naliligo sa bahagi ng Angalacan river sa nasabing bayan.


Ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan nang mapansin na hindi na ito lumilitaw hanggang sa isang menor de edad ang nakakita sa katawan nito sa ilalim ng tubig na aabot sa walong talampakan ang lalim.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival

Facebook Comments