High School Principal, Natagpuang Patay sa isang Hotel sa Ilagan City

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan ang katawan ng isang principal na wala nang buhay habang nakacheck-in sa isang hotel sa Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Edford Rico, 58 anyos, School Principal ng Lalauanan National High School na residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Ilagan City Police Station, nagcheck-in umano ang principal sa hotel pasado 11:00 ng umaga kahapon kasama ang isang babae at makalipas ang isang (1) oras ay nakatanggap ng tawag ang receptionist mula sa kasama ng biktima para humingi ng tulong medikal.


Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Lumalabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na walang nakitang kahit anong sugat sa katawan ng biktima.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng kanilang kaanak.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang post mortem examination sa bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Facebook Comments