Tanod, Patay Matapos Umanong Manlaban sa Drug Buybust Operation!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang barangay tanod matapos di umanong manlaban sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad kaninang madaling araw sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang nasawi na si Justin Carlo Apostol, 19 taong gulang at residente ng Brgy. 2 San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, natunugan umano ni Apostol na pulis ang ka-transaksyon nito kaya’t agad umano nitong binunot ang kanyang baril at ipinutok sa pulis subalit naunahan ito ng pulis na kung saan ay nabaril sa katawan ang binata na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ang isang Caliber 38 na baril at basyo nito, dalawang basyo ng 9mm, dalawang plastic sachet ng hinihinaang shabu at isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon ng Tanod.

Si Apostol ay matagal nang binabantayan ng kapulisan na sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments