High School Teacher, Huli sa Aktong Pagsusugal

184

Cauayan City, Isabela-Arestado ang 4 na katao kabilang ang isang high school teacher matapos maaktuhan na nagsusugal ng ‘tong its’ bandang 3:35 ng hapon sa Brgy. Bimonton, Mallig, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jhyna Esmael, 35-anyos; Virginia Dionisio,38-anyos, kapwa 4Ps Member; Shiela Eustaquio, SAP recipient, 38-anyos, at Sheila Garcia, 30-anyos, highschool teacher at kapwa mga residente ng Brgy. Bimonton, Mallig, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Mallig Police Station, nagsagawa ang pulisya ng anti-illegal gambling operation na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang baraha na ginamit sa sugal at pera na nagkakahalaga ng mahigit P2,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na nasa pangangalaga ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang domentasyon at disposisyon.

Facebook Comments