Binata, Arestado sa kasong Tangkang Panggagahasa

279

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng pulisya ang isang 26-anyos na lalaki bandang 2:50 ng hapon kanina sa Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Reymund Balido, 26-anyos, binata, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.


Dinakip si Balido matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 City of Ilagan para sa kasong Attempted Rape.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P120,000.

Ikinostodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments