Manila, Philippines – Tinampok sa isang popular South Korean TV show ang isang babae na sinasabing nagawang makipag-date ng nasa 200 mga lalaki sa loob lamang ng 2 taon.
Ayon kay Han Mirim, agad siyang nakikipag-break sa mga lalaking hindi willing na bigyan siya ng mga mamahaling regalo.
May mga pagkakataon rin aniya na unang araw pa lamang ay nakikipag-break na siya sa nagiging boyfriend niya, dahil nais ng ilan sa mga ito na hatiin ang bill sa pagbabayad sa restaurant.
Ayon kay Mirim, hindi rin daw nagtatagal ang kaniyang mga relasyon dahil hindi kayang i-sustain ng mga nagiging boyfriend niya ang kaniyang financial demands.
Kung susumahin, aabot na raw sa 92,000 dollars ang halaga ng mga natanggap niyang alahas, damit at gadgets mula sa mga lalaki na kaniyang naka date.
Matapos i-ere ang episode ni Mirim, umani ito ng pambabatikos sa social media.
Dinipensahan ni Mirim ang sarili at sinabing, in-exaggerate lamang ng mga producers ang bilang ng mga lalaking naka-date niya.
Itinanggi naman ito ng producer ng show at sinabing una pa lamang ay pumayag na si Mirim na ilabas ang kaniyang istorya kapalit ng kasikatan, at nagpapalusot lamang ito dahil sa mga negatibong komento.