High-tech na kagamitan ng QCDP, malaki ang maitutulong sa anti-criminality

Manila, Philippines – Mas madali ng makilala ng QCPD ang sinuman indibidwal na sangkot sa isang krimen na makukunan ng CCTV camera dahil sa makabagong kagamitan ipinagkaloob ng QC Local government.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang labing dalawang unit na Digital Composite Sketch Appliance na nagkakalahaga ng P18.6 milyon ay malaki ang maitutulong upang malutas ang isang krimen.

Dahil sa naturang kagamitan aniya ay maiguguhit ng computer ng mas malinaw ang mga suspect’s base sa description ng isang witness at kuha ng CCTV camera.


Idinagdag pa ng opisyal na ang Digital Composite Sketch Appliance ay ilalagak sa mga presinto sa QCPD, upang gamitin ng investigation section at mabilis na mailabas ang larawan ng sinuman individual na nakagawa ng krimen, at agad itong maaresto.

DZXL558

Facebook Comments