Pagbangga sa malalaking mining companies, isang hamon sa bagong DENR chief

41

Manila, Philippines – Umaasa si Senator JV Ejercito na hindi pasisindak sa malalaking mining companies si bagong Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu.

Wish ni Ejercito kay Cimatu ang maayos nitong pagganap sa bagong tungkulin.

Para kay Ejercito, malaking hamon ang kakaharapin ni Cimatu para ipagpatuloy ang sinimulan ni dating DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Ejercito, binuksan ni Lopez ang paningin ng mga mamayang Pilipino ukol sa matinding pinsalang dulot ng abusado at iresponsableng pagmimina sa iba’t ibang panig ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments