HIGH-VALUE INDIVIDUAL, NAKUHANAN NG P680K SHABU SA URDANETA CITY

Timbog ang Isang high-value individual sa isang buy-bust operation na isinagawa ng awtoridad sa Urdaneta City.

Tinatayang P680,000 halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam ng awtoridad sa lalaking suspek.

Bukod sa halos 100 gramo ng ilegal na droga, narekober rin mula sa suspek ang isang improvised shotgun pistol, apat na bala ng 12-gauge shotgun, isang mobile phone, isang motorsiklo, at iba’t ibang personal na gamit, kabilang ang drug paraphernalia at buy-bust money.

Dahil sa insidente, sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments