300 ALAGANG BABOY SA ILOCOS NORTE, SUMAILALIM SA CULLING OPERATION

Apektado sa banta ng African Swine Fever (ASF) ang ilan bahagi sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Isinailalim sa culling operation ang nasa tatlong daang mga baboy sa isang piggery farm sa bahagi ng Brgy. Alejo Malasig sa bayan ng Vintar sa lalawigan upang hindi kumalat pa ang banta ng naturang sakit sa kalapit-lugar.

Dahil dito, hinikayat mg Bantay ASF Task Force ang kooperasyon partikular ng mga hog-raisers upang matugunan ang banta ng ASF, sa pamamagitan ng pagtalima sa biosecurity measures pagdating sa pag-aalalaga ng mga baboy.

Samantala, muling dumagdag ito sa red zone map sa ASF sa lalawigan kung saan hindi muna pinahihintulutan ang pagpasok o paglabas ng karne. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments