High value target, arestado sa drug operation ng PDEA sa Mandaluyong

Manila, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang high value target na matagal na nilang sinusubaybayan.

Kinilala ang suspek na si Jobet Abelano 31y/o at nakatira sa unit 506 G.A tower Brgy Malamig, Mandaluyong City.

Sinalakay ng mga otoridad ang nabanggit na unit kaninang umaga at inaresto si Abelano sa bisa narin ng search warrant.


Nahuli sa pag iingat nito ang P1M halaga ng ecstasy, shabu na may street value na P180,000 at mga party drugs tulad ng valium.

Todo tanggi naman ang suspek na sa kanya ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

Depensa nito, matagal na umano syang huminto sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ayon sa PDEA, matagal na nilang target si Abelano na ang mga parokyano ay mga kabataan at ilang mayayamang indibidwal.

Facebook Comments