Ilang bahagi ng Iligan City, pansamantalang mawawalan ng kuryente sa Huwebes

Iligan City – Magsasagawa ng upgrading activity ang National Grid Corporation of the Philippines sa ilang bahagi ng Iligan City sa Huwebes. (Sept. 21) Kaya’t panandaling mawawalan ng supply ng kuryente sa mga piling lugar.

Sa abiso ng NGCP, tatagal ang nasabing upgrade at maintenance activity mula alas 6 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali sa Brgy. Ma. Christina, Iligan City.

Pinapayuhan ang mga residente sa lugar na makipagugnayan sa Local Distribution Utility upang malaman kung kabilang sa mga mawawalan ng kuryente.


Sisikapin ng NGCP na agad maibalik ang supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments