High Value Target arestado sa Pikit North Cotabato

Mga iligal na droga, baril at mga bala ang narekober ng mga otoridad sa ipinatupad na search warrant operation kaninang pasado alas 5;00 ng umaga sa Sitio Midkampong, Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato.
Ayon kay PDEA North Cotabato Head Neil Liansing kasama nila sa operasyon ang kapulisan ng Pikit-MPS at 4th SAF kung saan subject ang isang Abu matalam residente ng nabanggit na lugar.
Sinabi pa ni PD Neil na sa kanilang paghalughog sa tahanan ng itinuturing nilang high value target na si Abu Matalam ay nakarekober sila ng 100 small heat sealed transparent sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, M1 Carbine rifle, isang magazine nito na may 23 mga bala.
May resistance sa panig ng target subalit kalaunan ay napakalma din ng tropa sa tulong ng misis nito ayon pa kay PD Niel.
Sinabi pa ni PD Neil na matagal din nilalang minanmanan ang mga aktibidad ni Abu Matalam.
Malawak ang saklaw na lugar na pinagbebentahan nito ng iligal na droga at hindi lamang sa bayan ng Pikit.
Ang lahat na mga ebidensya na nakuha mula sa suspek ay properly documented at gagamitin ito sa paghahanda ng mga kasong isasampa sa suspek.
Sinabi pa ni PD Neil na dadalhin din nila sa PDEA-12 regional office.(Daisy Mangod)
FILE PIC

Facebook Comments