Vendor, Kalaboso sa Buybust Ops!

103

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang vendor matapos itong matiklo sa pagbebenta ng droga sa Brgy. Salay, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Michael Ismael, 34 anyos, walang asawa, vendor at residente ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP Echague at PDEA RO2 si Ismael matapos na magpositibo sa kanilang ikinasang operasyon kung saan ay narekober sa suspek ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at limang daang (P500) piso na buy-bust money.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang item para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments