High-value target, arestado sa Zamboanga Sibugay

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang tinaguriang high-value drug target makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA Zamboanga Sibugay Provincial Office sa Brgy. Kitbog, Titay, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang suspek na si alyas Khaleed o Kalid, 22-anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa PDEA, ang mga operatiba ng PDEA ay nagsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang suspek.

Narekober sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, iba’t ibang drug paraphernalia na ginamit sa repacking, at distribution ng illegal drugs.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments