Halos P500K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang high value individual sa Valenzuela

Nasabat ng mga operatiba ng Valenzuela City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000 mula sa isang high-value individual.

Nahuli ang umano’y tulak matapos ang ikinasang buy-bust operations sa isang footbridge sa kahabaan ng E. Francisco Street, Brgy. Parada, Valenzuela City.

Aabot sa humigit kumulang 70 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa suspek.

Bukod dito, nakuha rin sa kaniya ang sling bag at buy-bust money.

Reklamong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang kasong isasampa laban sa naarestong suspek.

Facebook Comments