HIGH VALUE TARGET NA NEGOSYANTENG ISLAM, TIMBOG SA DAGUPAN CITY

42

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang lalaking negosyante matapos isinagawa ang Search Warrant Operation ng mga kawani ng PDEA Regional Office 1 at Station Drug Enforcement Unit sa lungsod ng Dagupan sa Pangasinan.

Iprinisenta ang search warrant kay alyas “Nader”, 27 anyos, negosyanteng islam na nakatira sa Brgy. Bonuan Binloc matapos mapag-alamang isa siyang high value target sa nasabing lungsod.

Narekober mula sa kanyang pangangalaga ang aabot sa sampung piraso ng heat sealed na plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu na kanyang ibinebenta na tumitimbang ng 3.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga naman ng P23, 800 at iba pang mga ginagamit na paraphernalias sa droga.


Ang suspek naman ay agad na dinala sa tanggapan ng pulisya para sa nararapat na disposisyon at inendorso naman sa PDEA RO1 para mangasiwa sa kaukulang kaso.

Facebook Comments