High Value Target, Nasamsaman ng Droga sa Pagsisilbi ng Search Warrant

187

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang laborer matapos isilbi ng mga awtoridad ang search warrant nito sa kanyang bahay bandnag 5:20 ng hapon kahapon sa Brgy. Centro, Lal-lo, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si JR Areola, 34-anyos, may-asawa at kabilang sa HVI Regional Priority 10 under Coplan Bato ng PNP/PDEA Region 2.


Sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Catherine P. Bangui-Allas, Executive Judge of Municipal Trial Court Branch 1, Lal-lo, Cagayan, dinakip si Areola matapos magpositibo na nag-iingat ito ng iligal na droga at makumpiskahan sa kanyang pitaka ng pake-paketeng shabu.

Ayon sa pulisya, matagal ng minamanmanan ng operatiba ang mga kilos ng suspek hanggang sa nagresulta ng pagkakahuli dito.

Sasampahan ng kaosng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments