High Value Target ng PDEA, Timbog sa Buy Bust Operation

14

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na high value target ng PDEA sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Dubinan West Santiago City.

Nakilala ang suspek na si Eduardo Magpantay, 34 taong gulang, at residente rin sa nabanggit na barangay.


Nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng PDEA Quirino; RDEU PRO2; CDEU SCPO; RIU at SDEU SCPS 2 upang isagawa ang operasyon laban kay Magpantay kung saan nagpositibo naman ang kanilang transaksyon matapos mabentahan ng suspek ang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.05 grams.

Agad na dinakip ang suspek at dinala sa presinto dos ng Santiago City Police Office (SCPO) para sa kaukulang dokumentasyon habang inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban kay Magpantay.

Facebook Comments