HIGH VALUE TARGET, TIMBOG SA IKINASANG ANTI-ILLEGAL DRUG BUY-BUST OPERATION

Cauayan City – Tagumpay na naisagawa ang ikinasang Anti-Illegal Drug buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon ika-26 ng Agosto sa Brgy. Alingigan 3rd Ilagan City, Isabela.

Ang tagumpay na operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip ng isang indibidwal na kinilalang si Alyas “Rodolfo”, itinuturing bilang High Value Target sa lalawigan ng Isabela.

Positibong nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang hinihinalang shabu na mayroong bigat na tinatayang nasa 5 gramo, isang tunay na 1000 peso bill at 15 1000 peso bill boodle money na siyang buy-bust money, isang cellphone, at isang motor.


Matapos ang tagumpay na operasyon kaagad na dinala ang mga nakumpiskang ebidensya at ang suspek sa Ilagan City Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments