Quezon, Isabela – Binuo kamakailan ang Highway Police Assistance Desk at Taskforce Salaknib ng Quezon, Isabela upang maging gabay sa mga motoristang dumadaan sa nasabing bayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Arnel S. Alvares, hepe ng PNP Quezon, layunin umano ng police assistance desk at taskforce salaknib na mabigyan ng gabay ang karamihang motorista na nawawala sa lugar lalo na ang mga pumupunta ng Tabuk at Cagayan.
Ayon pa kay Senior Inspector Alvarez na isa ring dahilan kung bakit nabuo ang highway police assistance desk at taskforce salaknib ay dahil sa maraming motorista ang himihinto at nagtatanong sa mga lugar na gusto nilang puntahan.
Kaalinsabay narin umano na ginagawa ng mga tauhan ng assistance desk at taskforce ang pagbibigay ng mga impormasyon sa mga motorista patungkol sa mga alituntunin sa daan lalo na ang inner lane para sa mga malalaking sasakyan at outer lane na para naman sa mga maliliit na sasakyan higit na sa mga single motorcycle na karamihang nasasangkot sa aksidente.
Samantala ang Highway Police Assistance Desk ay kinabibilangan ng ilang kapulisan samantala ang Taskforce Salaknib ay mga casual employee ng LGU Quezon.