Higik 7-K na pamilyang nakatira sa danger zones sa Davao, ililipat sa programang pabahay ng gobyerno

Higit pitong libong pamilyang naninirahan sa danger zones sa Davao City ang nakatakdang ilipat sa bagong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino o 4PH program ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa 72 na 5-story building ang itinatayo sa Calinan District, Davao City, para sa mga pamilyang apektado ng mga proyektong pang-imprastraktura at mga naninirahan sa delikadong lugar.

Apat na gusali na ang natapos at handa nang ipamahagi, habang 22 ang under construction.


Bukod sa Davao City, tuloy-tuloy rin ang 4PH housing programs sa ibang bahagi ng bansa.

Nitong nakalipas na araw, isinagawa rin ng Department of Human Settlement and Urban Development ang groundbreaking ceremony sa unang pabahay program sa San Juan City sa ilalim ng 4PH program.

Facebook Comments