
Isa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa agad nagpa-abot ng pagbati sa tagumpay ng Filipino tennis sensation na si Alexandra Eala sa Miami Open.
Diin ni Romualdez, ang ipinakitang husay ni Eala ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Pinoy at karangalan sa Pilipinas dahil sya ay isang buhay na patunay na ang talento at sipag ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay.
Sabi ni Romualdez, sa bawat palo ng raketa ni Alex ay dala niya ang pangarap ng bawat Pilipinong nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan.
Ayon kay Romualdez, ipinakita ni Eala ang halaga ng dedikasyon, disiplina, at walang humpay na pagsisikap sa pag-abot ng mga pangarap.
Bunsod nito ay tiniyak ni Romualdez ang patuloy na suporta at panalangin para kay Eala.
Facebook Comments