Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa General Santos City ang nasa higit ₱4-M halaga ng mga smuggled na sigarilyo.
Ayon sa BOC, nadiskubre ang nasa 8,200 na pakete ng iba’t ibang brand ng mga smuggled na sigarilyo na karga ng isang closed van sa isinagawang checkpoint ng mga awtoridad sa lugar.
Agad na nagsagawa ng full physical examination ang mga nakatalagang examiners sa mga smuggled products.
Samantala, naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang BOC laban sa mga nasamsam na produkto dahil sa paglabag sa Section 117, Section 1113 at Section 400 ng R.A No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Facebook Comments