Kaligtasan ng mga miyembro ng media, isa sa prayoridad ng Marcos administration ayon sa PTFOMS

Isa sa prayoridad ng Marcos administration ay ang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director Paul Gutierrez sa Laging Handa briefing kasunod na rin ng kamakailang pakikipag-pulong nito sa ilang diplomat mula sa The Netherlands.

Ayon kay Gutierrez, sa ilalim ng Marcos administration ay gumagawa ito ng mga hakbang upang masiguro ang isang environment na titiyak sa kaligtasan ng media.


Alam din daw ng administrasyon ang obligasyon ng gobyerno na mapangalagaan ang mga journalist.

Sinabi pa ni Gutierrez na nagpahayag ang Dutch delegation na kamakailan ay kanilang nakapulong sa pagiging kuntento sa pagsisikap ng gobyerno na mapanatili ang isang safe environment sa mga Pilipinong journalist.

Facebook Comments