HIGIT ₱ 10,000 CASH AID IPINAMAHAGI SA 1,000 PAMILYANG DAGUPENO

Isang libong pamilya sa Dagupan City ang tumanggap ng tig-₱10,179 cash aid mula sa programang Handog ng Pangulo: Tulong at Serbisyo nitong Huwebes, Oktubre 2, sa Dagupan City People’s Astrodome.

Ang ayuda ay bahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng mga nagdaang habagat at bagyong Krising, Dante at Emong.

Pinangunahan nina Mayor Belen Fernandez at DSWD Region 1 Assistant Director Melecio Ubilas Jr. ang pamamahagi ng ayuda. Kabilang din sa aktibidad ang City Social Welfare Development Office at ang Disaster Response Management Bureau mula sa DSWD Central Office.

Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking tulong ang natanggap na halaga para sa pagkukumpuni at pagpapalakas ng kanilang mga bahay, gayundin sa iba pang pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Facebook Comments