Higit ₱1-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa apat na suspek sa Maynila

Nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) Station 5 ang apat na indibidwal na kinabibingan ng isang babae sa Tondo, Maynila.

Sa report ni PCapt. Bernardo Diego kay MPD District Director PBGen. Andre Dizon, alas-7:30 kagabi ng ikasa ang Anti-Illegal Drugs Buy-Bust Operation sa tapat ng isang bahay sa 1966 Abad Santos Ave. Brgy 226, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Wilson Mariano, Johnrey Tibor, Wendell Ungos at Kathleen Joy Rosales.


Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 215 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,462,000.00.

Ayon kay Gen. Dizon ang naturang anti-illegal drugs buy bust operation ay may koordinasyon sa Philippines Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ang apat na arestadong suspek ay kakasuhan nang paglabag sa probisyon ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa City Prosecutor ng Lungsod ng Maynila.

Facebook Comments