PNP, nilinaw na wala namang pagbabanta sa buhay ng pamilya Baltazar

Kagustuhan ng pamilya Baltazar ang pagkakaroon ng pulis sa lamay ni Jemboy na biktima ng mistaken identity sa Navotas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo humiling ang mga ito ng 2 sibilyang pulis dahil hindi nila kilala ang lahat ng tao na nakikiramay sa pagkawala ni Jemboy.

Ani Fajardo, nais lamang ng pamilya Baltazar na magkaroon ng security upang mapanatag.


Pero paglilinaw nito, wala namang banta sa buhay na natatanggap ang pamilya.

Sa katunayan, kuntento ang pamilya Baltazar sa tulong at seguridad na ibinigay sa kanila ng PNP.

Facebook Comments