Higit ₱1-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam ng mga otoridad sa isang checkpoint

Photo Courtesy: Philippine National Police

Tinatayang nasa ₱1.25 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Sirawan, Toril District Davao City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Vicente Danao Jr., nahuli ng mga tauhan ng Task Force Sirawan ang isang van-type Elf truck na may lulang 85 kahon ng mga kontrabando.

Wala ding maipakitang dokumento o papeles ang truck driver na si Robert Penetrante maging ang kasama nitong si Romel Penetrante.


Sinabi pa ni Gen. Danao, na nakita rin ng mga otoridad ang ilang rim ng sigarilyo sa dashboard ng elf truck ngunit bigo ang 2 na makapagpakita ng kaukulang dokumento.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 4712 o an Act Amending Certain Sections of the Tariff and Customs Code of the Philippines na isasampa laban sa dalawang akusado.

Facebook Comments