Higit ₱100-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng Bureau of Customs sa Mactan Cebu International Airport

Umaabot sa ₱120 milyon ang halaga ng iligal na droga ang naharang at nakumpiska ng Bureau of Customs-Port of Cebu-Subport of Mactan.

Ang nasabing iligal na droga ay nasa 17 kilo ang bigat kung saan nasabat ito sa Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Sa inisyal na ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga port officer hinggil sa isang South African national na may bitbit na illegal drugs na nagmula ng Doha, Qatar, sakay ng Qatar Airways na may Flight No. QR924.


Nang dumating ang naturang dayuhan, dumaan sa x-ray inspection ang mga bagahe kung saan nagduda ang mga customs officer kaya’t idinaan ito sa complete physical examination.

Dahil dito, nasa walong pakete at dalawang pouches ng shabu ang nadiskubre sa bagahe at clutch bag nito.

Ayon kay Atty. Elvira Cruz, ang district collector ng Port of Cebu, naipadala na nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabat na iligal na droga kung saan muli nitong iginiit na hindi hahayaan ng kanilang tanggapan na makalusot amg mga ganitong uri ng iligal na gawain.

Isinsailalim na rin sa imbestigasyon ang hindi pa pinangalanang dayuhan para malaman kung sino-sino ang kasabwat nito.

Facebook Comments