Higit 30 paaralan, nagkaroon ng pinsala sa nangyaring lindol sa New Bataan, Davao de Oro

Nasa 38 paaralan ang nagkaroon ng pinsala kasunod ng magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan, Davao de Oro nitong Miyerkules, February 1, 2023.

Ito ang inilabas na ulat ng Department of Education (DepEd) kung saan kabilang sa mga apektadong paaralan na ito ay ang:
• Sonlon National High School sa Asuncion, Davao del Norte
• Alejal Elementary School sa Carmen, Davao del Norte
• Toril Elementary School sa Island Garden City of Samal
• Montevista National High School sa Davao de Oro

Matatandaan na tumama ang lindol sa nasabing lugar nitong Miyerkules at ang epicenter nito ay nasa 12 kilometro hilagang-silangan ng New Bataan.


Nabatid na hanggang nitong Sabado, nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 882 na aftershocks.

Facebook Comments