Higit ₱1B halaga ng locally produced agri products, ipinamahagi ng iba’t ibang LGUs sa kanilang constituents

Pinapurihan ng Department of Agriculture (DA) ang ilang Local Governments Units (LGUs) dahil sa kanilang inisyatibong bumili ng mga locally produced agricultural products na kanila namang ipinamahagi sa kani-kanilang mga constituents.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na umaabot na sa ₱1.85 billion worth ng mga agricultural products tulad ng gulay, prutas at bigas ang pinamudmod ng mga local chief executives bilang parte ng kanilang food assistance sa mga tinaguriang vulnerable sectors.

Sadya naman itong ikinatuwa ng DA dahil maliban sa nakakatulong sa ating mga magsasaka, nakasisiguro pa na sariwa ang mga produkto at masustansya na kailangan upang mapalakas ang immune system na numero unong panlaban sa COVID-19.


Nitong Marso, matatandaang umapela si Secretary Dar sa mga LGUS na tangkilikin ang mga produktong ani ng ating magsasaka na agad namang tinugunan ng mga local executives.

Nabatid na ilang LGUs sa Metro Manila ang namimigay narin ng gulay prutas manok at bigas bilang alternatibo sa mga delata.

Facebook Comments