Higit ₱2-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam sa Sulu

Jolo, Sulu – Nasamsam sa isinagawang operasyon ng pulisya at militar ang higit P2.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Mindanao Command, nadiskubre ang kontrabando sa bahay ng isang Dimer Alih.

Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin sa lugar ang tatlong motorsiklo na walang papeles at iba’t-ibang bahagi ng kalibre .45 na baril.


Itinurn-over na ang mga nasabat na kontrabando sa kustodiya ng Sulu Police Provincial Office.

Facebook Comments