James Reid, inaming live in na sila ni Nadine

Photo Courtesy: James Reid, Nadine Lustre/Instagram

Inamin ng aktor na si James Reid na live in na sila ng girlfriend na si Nadine Lustre.

Sa isang episode ng Gandang Gabi Vice, natanong si James hinggil sa ikatlong anibersaryo nila ni Nadine.

Dito na nadulas si James at nasabing nagsasama na sila ni Nadine sa iisang bubong.


Say naman ni Reid na kahit na nagsasama na sila ni Nadine may mga pagkakataon pa ring sobrang namimiss nila ang isa’t-isa lalo at busy sila sa kani-kanilang projects.

Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na lumutang ang isyu na nagsasama na ang dalawa.

Unang nalantad sa publiko ang relasyon nila James at Nadine noong February 20, 2016.

Facebook Comments