Higit ₱3.9-M shabu, nasamsam sa dalawang indibidwal sa Quezon

Naaresto ang dalawang high-value individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City, Quezon.

Sa report ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police sa Kampo Krame, kinilala ang mga nahuli na sina Angelo Tongo at Judel Gutlay.

Ang dalawa ay natiklo makaraang makipag-transaksyon sa pulis na nagpanggap ng poseur buyer.


Nakuha sa operasyon ang 196 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na mahigit ₱3.9 milyon, motorsiklo at boodle money.

Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek para sampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments