Pumalo na sa P464.27 million halaga ng mga pananim ang nalugi dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa 13,679 ektarya ng mga lupain ang apektado ng tagtuyot kung saan apektado rin ang 16,034 mga magsasaka at mangingisda.
Sa tala ng DA, nasa P377.85 million halaga ang nalugi sa produksyon ng bigas habang P86.42 million ang nawala sa produksyon ng mais.
Pinakaapektado ng tagtuyot ay ang Occidental Mindoro, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao del Sur, Cotabato at Maguindanao.
Tiniyak naman ng DA na patuloy ang kanilang assessment sa epekto ng El Niño sa produksyon sa bansa.
Facebook Comments