Kakulangan ng water supply sa Metro Manila at kalapit probinsya, hindi lang dahil sa El Niño

Photo Courtesy: RMN Davao

Hindi lang El Niño phenomenon ang sanhi ng kakulangan sa supply ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal Province.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco, hindi natantsa ng Manila Water ang paglaki ng demand sa tubig ng kanilang mga customer.

Kasabay nito, inamin naman si Velasco na bahagi ang kanilang ahensya sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig.


Aniya, kung nakita lang sana ng mga nagdaang administrasyon ng MWSS ang magiging problema hindi na sana umabot pa sa ganito ang sitwasyon.

Facebook Comments