HIGIT ₱43K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM SA BOLINAO

Nasamsam ng Pangasinan Police Provincial Office ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱43,500 matapos ang pagpapatupad ng isang Search Warrant sa Bolinao, Pangasinan noong Nobyembre 25, 2025.

Sa isinagawang operasyon, hinalughog ng Bolinao Police Station, katuwang ang PDEA, ang tahanan ng isang 38-anyos na mangingisda na nasa listahan ng mga drug personality.

Ngunit pagdating ng mga operatiba, wala ang suspek sa mismong lugar.

Kabilang sa mga narekober ang isang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6.40 gramo, isang itim na coin purse, dalawang piraso ng aluminum foil, at isang disposable lighter.

Maayos na naisagawa ang operasyon na sinaksihan ng ama ng suspek.

Agad namang dinala sa Bolinao Police Station ang mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong dokumentasyon at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments