Sa loob ng tatlong araw, mahigit ₱5 milyon ang naitalang benta — limang beses na mas mataas kumpara sa nakaraang taon — na patunay ng lumalakas na suporta ng komunidad sa lokal na agrikultura at small business sector.
Kabilang sa mga produktong ibinenta ang sariwang gulay at prutas, mainit na tinapay, kakanin, kutkutin, at iba pang lokal na delicacies. Dahil direkta mula sa producer at walang “middleman,” mas mura at mas sariwa ang mga paninda, na malaking tulong sa mga pamilyang bumibili para sa pang-araw-araw na pagkain at pasalubong.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng Kadiwa na palakasin ang kabuhayan ng lokal na producer habang nagbibigay ng abot-kayang pagkain sa publiko, na nagtataguyod ng sustainable na agrikultura at mas matibay na ugnayan sa komunidad.








