Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P7.3 million na halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Brgy. Manalipa, Zamboanga City.
Ito ay matapos maharang sa Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang bangkang de motor na “FB Hayarana”.
Ayon sa BOC, naglalaman ito ng 203 master case at 66 reams ng sari-saring sigarilyo ng iba’t ibang brand tulad ng Modern, New Far, Fort, Cannon at San Marino.
Sa operasyon, nabigo ang anim na tripulante na magpakita ng mga dokumentong nagpapatunay sa regularidad o prior importation sa pag-angkat ng mga sigarilyo, at pag-transport nito sa Zamboanga City.
Ang mga nasakoteng sigarilyo ay nasa kustodiya na ng BOC Zamboanga, para sa proper disposition.
Kabilang din dito ang ginamit na sasakyang-pandagat, na nahaharap sa paglabag sa “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Section 117 ng “Tobacco Exportation at Importation Rules and Regulations.