Ito ay ayon sa inisyal na pinalabas na datos ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Cagayan.
Mayroong 276 na livestock raisers sa sampung mga bayan at lungsod sa probinsya ang namatayan at nawalan ng alagang hayop.
Kabilang ang Alcala, Aparri, Amulung, Baggao, Camalanuigan, Iguig, Peñablanca, Solana, Sta. Terisita at Tuguegarao sa mga bayan at lungsod na apektado.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial Information Office, may kabuuang 2,544 na alagang hayop ang nalunod at namatay dahil sa malakas na ulan at pagbaha buhat ng bagyo.
Pinakamarami dito ay ang manok na nasa 1048 ang nalunod at nawala, pato-893, pugo-350, kambing-99, kalapati-95, biik-6, tupa-14, pabo-14, kalabaw-4, baka-3, at isang gansa.
Kaugnay nito, nakahanda naman ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan.