Higit 1.2 million Filipinos, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Pumalo na sa 1,206,371 indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang nitong May 30, kabuuang 5,180,721 doses ng bakuna ang nabigay na sa buong bansa.

Umabot na rin sa 144,402 ang indibidwal na nababakunahan kada araw sa nakalipas na isang linggo.


Sa mahigit 1.2 million fully vaccinated individual, 671,422 ay mga health worker, 245,244 ay senior citizens, 286,670 ang persons with comorbidities at 3,035 ay essential workers.

Nasa 3,974,350 indibidwal naman ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine kabilang ang mahigit 1.4 million medical frontliners, 1.3 million senior citizens, 1.1 million persons with comorbidities at 10,827 essential workers.

Facebook Comments