HIGIT 1.5-MILYONGHALAGA NG MARIJUANA, TINANGKANG IPUSLIT SA PANGASINAN, INABANDONA MATAPOSMATUNUGAN NG PULISYA

Nasabat ng pulisya ang dalawang kahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 1, 560,000 matapos itong abandunahin sa bahagi ng Brgy. Agat, La Union.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang awtoridad na may magaganap pa pagbiyahe ng dried Marijuana mula sa Baguio City patungo sa Pangasinan.

Agad nagsagawa ang Sison Police Station ng checkpoint sa lahat ng boarders ng La Union at Pangasinan, habang may checkpoint ay may napansin ang otoridad na dalawang kahon na iniwan sa gilid ng kalsada na di kalayuan sa border checkpoint.


Sa pag usisa ay nakita na naglalaman ito ng dalawang bricks ng dried Marijuana at 10 tubular at nakabalot ng packing tape na pinaniniwalaang iniwan ng mga suspek matapos matunugan ang checkpoints.

Tinatayang tumitimbang na 13 kilos at DDB value na 1,560,000.00. Pinaghahanap na ngayon ang mga posibleng nag iwan ng naturang kontrabando.

Facebook Comments