Nai-deliver na Philippine Statistics Authority Region 1 ang mahigit 1.6-milyong mga ePhilIDs sa mga residente nito sa rehiyon.
Base sa datos ng PSA Region 1 as of November 30, 2023 pumalo na sa kabuuang 1, 679, 177 e-PhilIDs kung saan Ilocos Norte may 318,210 ng ePhilIDs ang na-deliver, 153,932 naman sa Ilocos Sur, La Union mayroon na ring 176,020 at ang Pangasinan na may pinakamataas na nasa 1,031,015.
Samantala, patuloy ana hinihimok ng PSA ang publiko na tangkilikin ang pagpaparehistro sa Philippine Identification System dahil upang makakuha at magkaroon na ng National ID.
Matatandaang inilunsad ang PHILSYS on Wheels ng ahensya kung saan nagtungo ang mga kawani ng PSA upang suyurin ang mga tao sa bara-barangay na walang kakayahang makapunta sa mga itinalagang registration sites.
Sa ibang dako naman, base sa inihayag ng PSA na kadalasang ginagamit ng mga tao ngayong ID upang makapagparehistro sa GCASH App ay National ID. |ifmnews
Facebook Comments