BINATILYO SA LA UNION, PATAY MATAPOS MALUNOD

Namatay ang isang dese-sais anyos na binatilyo matapos itong malunod sa baybaying sakop ng Bauang sa La Union.
Ang biktima ay Isang lokal na turista mula sa lalawigan ng Benguet.
Ayon sa imbestigasyon, naliligo sa nasabing beach ang biktima kasama ang ilang mga kaanak ng mga ito pasado alas dose ng tanghali hanggang sa bigla silang tangayin ng malakas na alon.

Sinubukang iligtas ng biktima ang kanyang mga kasamahan subalit ito naman ang nalunod at inabot pa ng sampung minuto bago naganap ang katawan nito.
Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |ifmnews
Facebook Comments