Higit isang milyong low-income individuals na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) plus bubble ang nabigyan ng one-time financial assistance.
Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa ₱1.1 billion supplemental aid para sa ECQ areas ang naipamahagi mula April 7 hanggang 9.
Bilang bahagi ng technical assistance sa local government units (LGUs), patuloy ang DSWD sa pagbabantay ng payout.
Mahigpit din ang coordination ng DSWD sa mga LGUs para matiyak na ang 22.9million low-income individuals na apektado ng ECQ ay makakatanggap ng ayuda.
Facebook Comments