Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,214 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Mayo 16 hanggang 22, 2022.
Batay sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw noong nakaraang linggo ay nasa 173, mas mataas ng 9.9 percent kumpara noong Mayo 9 hanggang Mayo 15.
Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Mayroon namang naitalang anim na pumanaw kung saan tatlo ay naganap noong Mayo 9 hanggang 22.
Hanggang nitong Mayo 22, mayroong 718 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa 2,812 Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 432 o 15.4 percent ang okupado habang 17.4 percent ng 23,697 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Samantala, mahigit 69 milyong indibidwal o 76.71 percent ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 13.8 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.