Dating NEDA Chief Arsenio Balisacan, napili ni presumptive President Bongbong Marcos Jr., na muling pamunuan ang naturang ahensya

177

Inanunsyo ni presumptive President Bongbong Marcos Jr., na inialok niya kay Arsenio Balisacan ang posisyon bilang Socio Economic Planning Secretary.

Sa isang press briefing, sinabi ni Marcos na tinanggap na ni Balisacan ang kaniyang alok na pamunuan ang NEDA.

Sa kanilang pag-uusap ni Balisacan ay nagtutugma ang kanilang  pananaw sa usapin ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.


Kabilang dito ay ang pagbibigay kapangyarihan sa mga rehiyon na makapagbigay rekomendasyon.

Gayundin ang pagpapalakas ng partnership sa ibang bansa.

Kinumpirma naman ni Atty. Vic Rodriguez na tinanggap na ni Benny Laguesma ang alok na pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at si Susan “Toots” Ople  sa Department of Migrant Workers.



Facebook Comments